top of page
Search
  • BULGAR

GERALD, NAG-ENJOY KAY KYLIE SA FIRST TIME NILA

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 31, 2023




Surreal at “unbelievable” ang unang naging reaksiyon ni Kylie Padilla nang malamang makakapareha niya for the first time si Gerald Anderson sa pelikulang Unravel ng MavX Productions.


Sa mediacon and screening ng pelikula held at Vertis North Cinema, umamin si Kylie na dati siyang fan ng KimErald love team nina Gerald at Kim Chiu at lahat ng pelikula ng dalawa ay pinanood niya.


“Nakakahiyang aminin, but I was a fan,” natatawa at nahihiyang sabi ni Kylie.


“Fan ako ng KimErald,” sey niya at natatawang nag-sorry kay Gerald.


“Naging honest lang ako,” dagdag pa niya.


Pag-amin pa ng Kapuso actress, “Nanonood ako sa sine ng mga pelikula nila.”


Pero bukod nga sa fan siya ni Gerald, nang maging artista siya ay naging Kapuso talent siya habang ang aktor ay nasa Kapamilya Network.


Kaya naman talagang hindi raw siya makapaniwala nang i-offer sa kanya ng MavX Productions ang Unravel.


“Siyempre, may kaba noong una. Kasi, unbelievable pa siya sa akin na makakasama ko si Gerald, and working with MavX, sobrang ano pa niya, eh, surreal.


“Tapos nu’ng nandu’n na ako, and then, I jumped into my character, and you know, we were both into our character, talagang tumalon na ‘ko. And I trusted din si Direk RC (delos Reyes).


“And ‘yun. I think, maganda naman ‘yung kinalabasan,” ani Kylie.


At siyempre, talagang pinilit daw niyang alisin ang pagka-fan niya habang kaeksena si Gerald.


“Siyempre, I need to be professional. Talagang tinanggal ko lahat ‘yun and nagtrabaho ako,” she said.


“Tinanggal ko talaga ‘yung fan na Kylie para makapag-focus ako. Kasi, kung magpo-focus ako ru’n, ‘di ako makakaarte,” aniya pa.


Na-starstruck ba siya kay Gerald?


“Hindi lang ako makapaniwala, ‘Totoo ba ‘to?’ Oo, yes, may ganu’n na nangyari. Nahulog po ako sa upuan,” sey ni Kylie.


For Gerald, ang first meeting daw nila ni Kylie ay nang mag-look test sila noong July last year and after 1 week ay lumipad na sila patungong Switzerland kung saan nga kinunan ang malaking bahagi ng movie.


“Masayang katrabaho si Kylie. Nakita n’yo nga sa film kung gaano siya ka-passionate at kung gaano niya kamahal din ‘yung craft niya, ‘yung proyekto.


“Tapos, kapag nagsu-shoot ka sa abroad, kumbaga, konti lang kami. So, ang laking bagay na ‘yung mga kasama mo, ganu’n ka-professional.


“And she’s a very great representative of the network na GMA because talagang mahal niya ang trabaho niya,” ani Gerald.


Ang Unravel ay tumatalakay sa controversial practice of voluntary assessed death o VAD na legally condoned in other countries, particularly in Switzerland, as long as the person who wishes to die is of sound mind and is able to end their life on their own.


Ginagampanan ni Kylie ang papel na Lucy, a Filipina executive who is facing clinical depression amid reaping huge success in her field.


Habang si Gerald naman ay si Noah, isang half-Filipino na naninirahan sa Switzerland na tumulong kay Lucy na makita ang kagandahan ng buhay, but turns out na mayroon din siyang mabigat na pinagdaraanan.


More than the controversial theme of the movie, ang isang must-see sa pelikula ay ang amazing cinematography kung saan ay na-capture talaga nang buong-buo ang mga breathtaking sceneries in Switzerland kabilang na ang magnificent Alps na every traveler’s dream naman talaga.


Ang Unravel ay isa sa mga official entries sa First Summer Metro Manila Film Festival that will run from April 8 to 18.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page