ni Angela Fernando @Entertainment News | Oct. 3, 2024
Binigyang-diin ng aktor na si Gerald Anderson na wala siyang balak pasukin ang pulitika. Sinabi niya ito kasunod ng mga usap-usapan kadikit ng mga artista at kilalang personalidad na kinumpirma ang kanilang kandidatura para sa gaganapin na halalan sa 2025.
Nilinaw ni Anderson na kahit sigurado siya sa kagustuhang tumulong sa mga mamamayan ay hindi niya balak na tumakbo para sa puwesto sa gobyerno.
“I’m just happy to be in a position where I can also help. Nagagamit ko naman 'yung platform ko eh. May mga kaibigan ako in politics, I know it’s very hard, napakahirap nu'n, and I wouldn’t jump into something na hindi ako handa or hindi ko pinag-aralan because people’s lives are at stake,” saad ni Gerald.
Matatandaang isa ang aktor sa mga tumulong nu'ng nanalanta ang bagyong Carina at dati na siyang sumasama sa mga disaster relief efforts. Maraming netizens man ang nagtutulak kay Gerald na tumakbo sa darating na halalan, sigurado ang aktor sa kagustuhang ibigay ang kanyang pokus sa mga proyektong hawak niya sa kasalukuyan.
Comments