top of page
Search
  • BULGAR

Gay TV host, mangiyak-ngiyak sa sobrang touched…

ION KAY VICE: Isinilang ako sa mundo na ito para mahalin ka

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 27, 2020




'Kakilig ang selebrasyon ng second anniversary nina Vice Ganda at Ion Perez na pinili nilang i-spend sa Enchanted Kingdom.

October 25 ang anniv nina Vice at Ion bilang magdyowa at kahit sarado pa ang EK, nagbukas para sa team ni Vice at para nga mai-celebrate nila ang kanilang anniv ni Ion na napanood sa YouTube channel ng Unkabogable Star.


Nakaka-touch ang dinner date nila sa gondola habang nasa itaas sila sa Ferris Wheel. Na-solo nila ang isa't isa at du'n ay nasabi ni Vice na bilib na bilib siya kay Ion dahil ito lang ang lalaking naging proud sa kanya, hindi siya ikinahiya in public at nagtiis tanggapin lahat ng batikos dahil sa kanilang relasyon.


Pero ang mas nakaka-touch pa ay ang pasabog na regalo ni Vice kay Ion, hindi materyal kundi ang tula na ginawa niyang kanta sa tulong ni Moira titled Mahal Ako ng Mahal Ko.


At bago pa ipinakita ni Vice ang sorpresa niya kay Ion, nag-speech siya na ang sabi niya, "Ang sarap matulog na ikaw ang huli kong nakikita. Ang sarap gumising na ikaw ang una kong nakikita," or something to that effect.


Dagdag pa niya, hindi na raw niya kayang matulog nang hindi katabi si Ion! Talbog, devah?!


Naging emosyonal naman si Ion sa pasabog ni Vice at talagang napaiyak siya at halos hindi makapagsalita. In fairness, ramdam na ramdam sa parteng 'yun ang pagmamahalan nila, wa' kiyems!


Napapaiyak na rin si Vice habang tinitingnan si Ion, at tiyak, para siyang nanalo sa lotto nang sabihin ng BF na, "Paulit-ulit kong sasabihin, hangga't kaya kong iparamdam, mahal kita, ipaparamdam ko sa 'yo. Siguro, isinilang ako sa mundo na ito para mahalin ka."


OMG! Parang ang sarap sabunutan ni Vice sa sobrang shiny at haba ng hair niya! Lol!


Ay, wait, baka matanggal ang wig, charot!


Basta, kinilig kami kina Vice at Ion at sana nga, maalagaan nila ang kanilang relasyon.


In fairness, 'di sila nag-lips-to-lips sa harap ng camera kaya sa mga moralista, 'di n'yo sila puwedeng akusahang imoral ang mga ginagawa nila, ha?


Sabi nga, bawal judgmental!!! 'Yun na!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page