top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Garin, malamang mabulok sa selda sa kontrobersyal na Dengvaxia

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 27, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | October 27, 2023



GRUPO NI GARIN MALAMANG MABULOK SA KULUNGAN -- Bukod sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide na isinampa ng mga pamilya ng Dengvaxia case, ay sinampahan na rin ng Office of the Ombudsman ng criminal at graft cases ang grupo ni dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo 1st District Rep. Janette Garin kaugnay sa umano’y ilegal na paggamit ng public funds na ipinambili ng Dengvaxia vaccines.

Kaya’t sakaling mapatunayang guilty ang mga akusado sa mga kasong ito, tiyak mabubulok sa kulungan ang grupo ni Garin, abangan!


XXX


MAY MGA FORMER DOH OFFICIALS PA PALA ANG KUMITA SA DENGVAXIA VACCINE -- Sa totoo lang, shocking ang ginawang pagsasampa rin ng Ombudsman ng criminal and graft case laban sa grupo ni Garin.


Lumalabas kasi, na may mga dating opisyal pala ng Dept. of Health (DOH) ang kumita pa sa isinagawang pagtuturok ng Dengvaxia vaccine na nagdulot ng pagkamatay umano ng maraming bata, tsk!


XXX


SIBAKIN SI LOCSIN PARA HINDI MA-ZERO VOTE SA MINDANAO MAMANUKIN NI P-BBM SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION -- Nanawagan si Sultan Kudarat Gov. Pax Ali Mangudadatu kay Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na sibakin sa puwesto si Philippine Ambassador to the United Kingdom (UK) Teddy Locsin kaugnay sa post nito sa social media na, “Palestinian Children Should be Killed”.


Dapat pakinggan ni P-BBM ang panawagang ito, kasi kung dededmahin lang niya ay siguradong “zero vote” sa Mindanao ang mamanukin ng Presidente sa 2028 presidential elections, period!


XXX


HINDI LANG E-LOTTO, DAPAT PATI MGA LOTTENG OPERATORS IPAHULI NI DILG SEC. ABALOS -- Inatasan ni Sec. Benhur Abalos ng Dept. of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) na lansagin at dakpin ang mga gambling lords na illegal na nag-o-operate ng e-lotto sa social media.


Dapat lang, at sana pati ang mga lotteng operators na sina alyas "Joy" sa Parañaque City, alyas "Onie" sa Las Piñas City, alyas "Jodie" sa Navotas City, alyas "Edmon" sa Caloocan City at alyas "Lorna," "Boy Abang," "Paknoy" at "Alvin" sa Maynila ay ipahuli rin ng DILG secretary kasi kabilang ang mga manraraket na ito sa kumukumpetensya sa legal na lotto ng gobyerno, boom!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page