Garin, lusot sa P3.5B dengvaxia case

by Jeff Tumbado @News | October 14, 2026

Photo: Dr. Janette Loreto-Garin - FB
Pinawalang-sala ng Sandiganbayan Special Second Division si dating Department of Health (DOH) Secretary at kasalukuyang Iloilo 1st District Rep. Janette Garin sa mga kasong graft at technical malversation kaugnay ng P3.556 bilyong pagbili ng Dengvaxia vaccine noong 2015.
Inilabas ang desisyon nitong Martes, Oktubre 13.
Nag-ugat ang mga kaso sa umano’y maling paggamit ng government savings para sa pagbili ng bakuna na sinasabing hindi kabilang sa Expanded Program on Immunization (EPI) at Philippine National Drug Formulary (PNDF).
Ikinatuwa ni Garin ang desisyon at nagpahayag ng pag-asang mapapawalang-sala rin ang iba pang nahaharap sa mga kasong kaugnay ng Dengvaxia.





Comments