top of page

Garden, salon at bahay, next na ibibigay… RITA, PROUD NA NAILIBRE SA BORACAY ANG MADIR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 24, 2025



Photo: Rita Daniela - FB



Binigyan ng bonggang bakasyon ni Rita Daniela ang kanyang ina matapos itong makalampas sa remission stage ng breast cancer.


Sa kanyang Instagram ay ipinost ng Kapuso actress ang mga larawan ng bakasyon nila sa Boracay ng kanyang ina at unico hijo na si Uno.


“(Year) 2019, my mom was diagnosed with Breast Cancer. To cheer her up, I promised her that I will bring her to Boracay, eat good food, rest and spend time. 


“Time really is precious since that moment came to us but Pandemic happened, I gave birth, I became a first time mom. I wasn’t able to fulfill my promise right away,” simula ng caption ni Rita.


At ngayong taon nga ay nalampasan na raw ng ina ang remission stage kaya deserve nito ang bakasyon.


Ayon sa Google, “Remission, by definition, is when symptoms of a disease (like cancer) lessen or go away for a period of time. You can have partial or full remission. It can last for months, years or the rest of your life. Remission isn't the same thing as a cure.”


Patuloy ni Rita, “Grateful for God by giving me this chance of fulfilling one of my promises to her. What a treat from a child’s and daughter’s heart. Such a treat when you see your parent/s happy and the happiness comes from within.”


Sa ngayon ay may tatlo pa siyang pangako sa ina and Rita assured her mom na tutuparin niya ito.


“Garden, Salon at Bahay na lang, Ma. Aabot din tayo doon. Uno and I love you!” mensahe ng aktres sa ina.



GABI-GABI pa ring sinusubaybayan ng mga Pilipino ang maaaksiyong bakbakan ni Coco Martin a.k.a. Tanggol sa FPJ’s Batang Quiapo matapos itong magtala ng 24.78% average na pinagsamang national TV rating noong Mayo 1 to 20 para manatiling most-watched teleserye sa bansa.


Ang Kapamilya teleserye nga ang nangungunang programa sa primetime matapos nitong magrehistro ng halos dobleng national TV rating mula sa urban at rural homes ayon sa datos ng Kantar Media. 


Patuloy ang pamamayagpag ng FPJ’s Batang Quiapo sa national viewership charts mula noong umere ito noong 2023 sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.


Bukod sa telebisyon, namamayagpag din ang serye sa online viewership. Para sa Mayo 1 hanggang Mayo 18, nakapagtala ito ng higit 100 million views para sa pinagsama-samang full episodes at highlights nito sa YouTube. Kumpara ito sa 4 million views na nakuha ng katapat na serye para sa parehong panahon. 


Patuloy na kinakapitan ng mga Pilipino ang pakikipagsapalaran ni Tanggol sa mas pinalakas na maaaksiyong engkuwentro bilang ang nag-iisang tagapagmana ng kayamanan ng pamilya Montenegro. 


Lagi ngang trending sa social media ang mga eksena at karakter nito kung saan patok na patok sa mga manonood ang halu-halong emosyon, drama, at aksiyon. 


Taos-pusong nagpapasalamat ang lahat ng bumubuo sa FPJ’s Batang Quiapo sa walang-sawang suporta ng mga manonood na gabi–gabing sinusubaybayan ang buhay ni Tanggol sa TV at online. 


Napapanood gabi-gabi ang FPJ’s Batang Quiapo gabi-gabi, 8 PM, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page