Ganu'n na raw ka-rich ang anak, Kathryn…

SIGAW NI KARLA: DANIEL, NEVER NANG MAGHIHIRAP KAHIT MAWALA SA SHOWBIZ
Julie Bonifacio - @Winner | November 30, 2020

Ibinunyag ng Magandang Buhay host na si Karla Estrada kung gaano na ka-rich and stable sa buhay ang kanyang anak na si Daniel Padilla.
Keri na raw tumigil sa pag-aartista ni Daniel dahil may sapat na pera na ang Kapamilya star para mabuhay at pati na hanggang sa magiging apo ni Daniel ay secured na.
Take note, apo ‘yan, ha, at ‘di lang sa magiging anak ni Daniel. Just imagine kung gaano kalaki na ang perang naitabi ni DJ.
Ini-reveal lahat ‘yan ni Momshie Karla sa tsikahan nila ni Dra. Vicki Belo sa YouTube channel ng kilalang beauty surgeon.
“At 35, he’s good. Kahit hindi na siya magtrabaho hanggang apo niya, nagtabi na tayo," pagbubunyag ni Momshie Karla.
Authorized and certified naman ang statement na ‘yan ni Momshie Karla since siya pala mismo ang humahawak lahat, as in lahat ng pera ni Daniel at malamang, pati na investments ng Kapamilya actor.
Dito tiyak nanggagaling ang mga pahayag ni Daniel na kahit nagsara ang ABS-CBN, he still opted to stay and be a loyal Kapamilya artist. Kasi nga, keri na ni Daniel na mabuhay kahit wala siyang project.
Ang “bisyo” lang naman daw ni Daniel ay bumili ng mga mamahaling sasakyan. May sariling bahay na rin naman si Daniel at may ipapatayo pang dream house nila ng kasintahang si Kathryn Bernardo.
For sure, naibili na rin ni Momshie Karla ng sarili niyang building si Daniel. Years ago kasi ay napag-alaman namin na building na ang gustong ipatayo ni Momshie Karla.
Wow, mala-Megastar Sharon Cuneta na ang lebel ni Momshie Karla, ha?
Anyway, sa huli ng tsikahan ni Momshie Karla kay Dra. Vicki ay nasabi niya na plano niya na si Daniel na ang humawak ng sarili nitong pera para matuto.
At siyempre, mahirap na kung hawak pa rin ni Momshie Karla ang pera ni Daniel once mag-decide sila na magpakasal na ng boyfriend niyang si Jam Ignacio.
Hindi naman siguro kalabisan kung naisin ni Momshie Karla na huwag maging forever single sa buhay.
Samantala, palaging panoorin ang Kapamilya morning show nina Momshie Karla with Jolina Magdangal at Melai Cantiveros, ang Magandang Buhay bago mag-It's Showtime sa A2Z channel 11 and 20 (digital), iWantTV, TFC at sa iba pang platforms ng ABS-CBN.





Comments