top of page
Search
  • BULGAR

Ganern, Kim?... "BAWAL MAKAMPANTE SA ISANG RELATIONSHIP" — XIAN

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 4, 2021





Happy and thankful si Xian Lim na siya ang napiling maging host ng bagong game show na 1000 Heartbeats-Pintig Pinoy ng TV5 at Viva Entertainment. The show is a franchise of the daytime game show mula sa United Kingdom with the same title.


This is Xian’s first game show although noon pa naman ay nagho-host na siya ng mga beauty pageants at ibang showbiz events.


“I feel very happy and honored na naibigay sa akin itong proyekto na ito,” ani Xian sa Zoom presscon held last Tuesday, “I think it was months ago nu'ng nalaman ko na may paghahandaan kami na 1000 Heartbeats and naalala ko pa ‘yung initial reaction ko nu’n, eh, na pinanood ko talaga lahat ng episodes available na puwede kong panoorin. And I was there sa screening process, and I’m really expressing my happiness and gratitude na napunta sa akin itong project na ‘to.”


At dahil nga 1,000 Heartbeats ang titulo, naitanong kay Xian kung may mga intriga or issues pa ba sa kanya na nagpapakaba or nagpapabilis ng pintig ng puso niya.


“Siguro at this point, wala na ako ru’n sa stage na parang kailangan ko pang kabahan na ‘Ano kaya ‘tong ginawa ko?’ Na parang ‘Grabe naman, bakit nila sinabi tungkol sa akin ‘yun?’ Parang at this point, natanggap ko na, na sa bawat kilos ng isang aktor, o sa bawat kilos ng isang public figure ay mayroon at mayroong masasabi ang mga tao, maganda man or masama. You just have to not pay attention to those things,” aniya.


Naalala raw niya noong nagsisimula pa lang siya ay hindi pa siya sanay sa intriga at talagang naaapektuhan siya. Pero ngayon daw ay natutunan na rin niyang hindi magpaapekto.


Same with his relationship with Kim Chiu na lagi ring iniintriga. Pero natutuwa naman siya na tumahimik na rin ang kanilang mga detractors ngayon.


Natanong din si Xian kung malakas pa rin ba ang pintig ng puso niya para sa girlfriend lalo pa nga’t medyo matagal-tagal na rin ang kanilang relasyon.


“Oo naman. Siyempre. Lagi ko ngang sinasabi na sa isang relationship, dapat every single day, you work on it. Bawal makampante sa isang relationship,” aniya.


Anyway, 1,000 Heartbeats-Pintig Pinoy will air its pilot episode on Sunday, March 21 at 8 PM on TV5.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page