Search
  • BULGAR

Gamot sa HIV, hindi puwedeng gamot sa COVID-19

ni Twincle Esquierdo - @News | June 30, 2020


Sinabi ng mga siyentipiko ng British sa London na ang gamot sa HIV ay walang epekto upang magamot ang isang pasyente na apektado ng COVID-19.

Ayon sa mga ito "convincingly rule out any meaningful mortality benefit of lopinavir-ritonavir in the hospitalized COVID-19 patients we studied."

Ang mga siyentipiko ay walang nakitang pagkakaiba sa mga pasyenteng inilagay sa ventilator, kung ihahambing nila ang 1,596 na mga pasyente na binigyan ng lopinavir-ritonavir sa 3,376 mga pasyente sa isang control group.

Ang gamot na AbbVie Inc's Kaletra ay pinaghalong gamot ng lopinavir at ritonavir na gamot sa HIV, sunubukan ng mga siyentipiko kung ito ay maaaring maging gamot sa COVID-19. Ngunit, base sa kanilang pag-aaral hindi ito naging mabisang gamot para sa mga apektado ng COVID-19.


Ayon kay Peter Horby, chief investigator "These preliminary results show that for patients hospitalized with COVID-19 and not on a ventilator, lopinavir-ritonavir is not an effective treatment,”

Hindi makapagbigay ng konklusyon ang mga siyentipiko tungkol sa pinagsamang gamot lopinavir at ritonavir dahil sa mahirap itong pangisiwaan.

Pinag-aaralan din ng World Health Organization (WHO) ang nasabing gamot.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.