Gamot sa arthritis, ginagamit na gamot sa mga tinamaan ng COVID-19
- BULGAR

- Jul 7, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | July 7, 2020

Ibinahagi ng Chinese General Hospital sa Maynila na gumagamit sila ng rheumatoid arthritis drug na kung tawagin ay tocilizumab upang lunas sa COVID-19, ayon sa medical director ng nasabing ospital.
Sabi ni Dr. Samuel Ang, pumapalo sa 2%-5% ang mortality rate ng COVID-19 sa kanilang ospital at mas marami ang gumagaling dahil sa ginagamit nitong gamot.
“Karamihan nagre-recover because of new drugs eh, like yung tocilizumab. Ang daming bagong gamot po ngayon for COVID-10,” sabi ni Ang.
Ipinaliwanag naman ni Ang na ang gamot na kanilang ginagamit ay hindi gawa para sa COVID-19, ngunit ginagamit ito sa pag-regulate ng reaction ng antibody ng pasyente na lumalaban sa virus. Ito ay ginagamit sa mga may arthritis.
Samantala, inihinto na ng DOH ang COVID-19 trial para sa HIV drugs lopinavir-ritonavir, pati na rin ang malaria drug hydroxychloroquine matapos sabihin ng World Health Organization na hindi ito epektibong panlaban sa virus.





Comments