top of page
SHEET - BERNADETTE, NAG-MRT DAHIL SA BAHA, CR PURING-PURI, BINARA NG NETIZEN_IG _iambernad

Gamot kontra-leptospirosis, tiyaking 'di mauubos

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | August 19, 2026



Editoryal, Editorial


Sa gitna ng malawakang pagbaha dulot ng habagat, maraming Pilipino ang napipilitang lumusong sa maruming tubig. Kasabay nito ang banta ng leptospirosis, kaya mas tumataas ang pangangailangan sa konsultasyon at gamot gaya ng doxycycline. 


Nag-utos na rin ang Department of Health (DOH) ng leptospirosis fast lanes at sapat na supply nito sa mga pampublikong ospital.


Nakaaalarma kung may mga health facility na makararanas ng pagkaubos ng gamot habang patuloy ang pagbaha. Kaya dapat tiyakin ng DOH at mga lokal na pamahalaan na may sapat na reserbang gamot at mabilis na replenishment sa mga ospital at health center. Hindi dapat makarating sa puntong naghahanap na lamang kung saan may natitirang supply ang mga nangangailangan.


Hindi rin dapat basta uminom ng doxycycline nang walang payo ng doktor. Ngunit tungkulin ng gobyerno na tiyaking kapag kailangan at nireseta ito, may gamot na agad na maibibigay. 


Sa gitna ng habagat at baha, ang sapat na supply ay hindi lamang usapin ng imbentaryo—proteksiyon ito sa buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page