Baril at kutsilyo sa iskul: May malaking problema sa seguridad

by Info @Editorial | October 4, 2026

Nakaaalarma na may mga estudyante pa ring nakapapasok sa paaralan na may dalang baril, kutsilyo at iba pang mapanganib na bagay.
Hindi sapat na sabihing walang balak manakit ang isang estudyanteng nahulihan ng armas.
Sa loob ng paaralan, isang maling galaw, mainit na pagtatalo o padalus-dalos na desisyon lamang, maaari nang mauwi sa trahedya.
Kaya ang malaking tanong: Paano nakalulusot ang mga armas sa loob ng campus?
Dapat repasuhin ng mga paaralan ang kanilang security protocols—mula sa entrance inspection at pagbabantay hanggang sa mabilis na pag-report ng kahina-hinalang kilos.
Kasabay nito, kailangang alamin kung bakit may mga menor-de-edad na madaling nakakakuha ng armas mula mismo sa kanilang tahanan.
Ang paaralan ay dapat na lugar ng pag-aaral, hindi lugar kung saan kailangang mangamba ang mga estudyante at guro kung may kaklaseng may baril o kutsilyo sa bag.



Comments