top of page
Lakam Chiu at Kim Chiu - IG.jpg

Gamit ang screwdriver... Taxi driver, pinagsasaksak ng nasaging lalaki

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 7
1 min read

ni Mervin Reyes @News | August 7, 2026



Gamit ang screwdriver... Taxi driver, pinagsasaksak ng nasaging lalaki

Photo: File



Sugatan ang isang 27-anyos na taxi driver matapos siyang saksakin ng lalaking nasagi ng kanyang sasakyan sa Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City.

Agad namang naaresto ng pulisya ang suspek.


Ayon kay Police Capt. Eugene Cauyan, hepe ng Novaliches Police SIDMU, naglalakad ang suspek habang inaalalayan ang isang bisikleta nang masagi ng taxi. Huminto ang driver upang tingnan ang kalagayan ng lalaki, ngunit bigla umano siyang inundayan ng dalawang saksak.


Narekober sa suspek ang ginamit na screwdriver. Nagawa umano niya ito matapos niyang isiping tatakasan siya ng taxi driver. Nahaharap ang suspek sa kasong frustrated homicide.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page