top of page
WINNER - KATHRYN AT KAILA, PINAGSASABONG NG “TEAM SAKANG” AT “TEAM NOO”-IG _bernardokath &

Gamit ang kutsilyo at itak... PWD, kinatay ng anak ng konsehal

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 14
1 min read

ni Mai Ancheta @News | August 14, 2026



PWD sinaksak at tinaga ng konsehal - FB Circulated

Photo: FB Circulated



Himas-rehas ang anak ng isang barangay councilor matapos saksakin at tagain ng 40 beses ang isang 38-anyos na person with disability sa Brgy. Tutay, Pinamungajan, Cebu.

Ang biktima na kinilala lamang sa pangalang "Danny" ay sinasabing mayroon umanong pisikal na kapansanan.


Lumitaw sa imbestigasyon na bibili sa tindahan ang biktima nang atakihin ng suspek na si alyas Jundyl ng kutsilyo at itak.


Sinaksak umano ng suspek sa dibdib ang biktima kaya tumakbo ito, subalit hinabol pa rin at ipinagpatuloy ang pananaksak at paglaslas sa iba't ibang bahagi ng katawan na umabot sa bilang na 40.


Lasing umano ang suspek at nasa impluwensiya rin diumano ng ilegal na droga.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang nagtulak sa suspek para patayin sa taga at saksak ang biktima.


Sinabi ng pamilya ng biktima na wala silang alam na away sa pagitan ng dalawa.

Iniimbestigahan din ng pulisya ang isang nagngangalang “Arnel” na umano'y nang-udyok kay "Jundyl" para atakihin ang biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page