top of page

Game na raw magpakasal, Julia… GERALD: 36 NA AKO, KAILANGAN KO NA NG ANAK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | June 3, 2025



Photo: Gerald Anderson - IG


Pinabulaanan ni Gerald Anderson ang isyung hiwalay na sila ng girlfriend na si Julia Barretto.


Nag-post ang aktor sa kanyang Instagram (IG) ng larawan nila ng aktres na magkasama.

Kinumpirma naman ng aktor na sila pa rin daw ng aktres.

Guest si Gerald sa Toni Talks (TT) ni Toni Gonzaga na kaa-upload lang sa YouTube (YT).


Tanong ni Toni, “People think na naghiwalay kayo ni Julia.”

“No, we’re okay. Kanina, inihatid ko s’ya sa airport. Papunta sila sa Dubai,” diretsong sagot ni Gerald.


Kinlaro rin niya ang espekulasyon ng mga netizens about the deleted photos.

Sey niya, “No photos have been deleted from social media.”


Ipina-describe rin ni Toni ang kanilang relationship as a couple.

“It’s deeper,” dagdag pa niya na katulad daw ni Julia ang kanyang ina - very loving and motherly.


“Her love, values, and support inspire me to be better and give her 100%,” pakli pa ng aktor.

Ngayong 5 taon na sila ni Julia, inamin ni Gerald na may ups and downs din sila, pero mas pinatibay daw sila ng mga pagsubok.


“When you go through something like that and see that your partner is emotionally strong, you know it was worth it,” aniya.


Ready na ba siya to settle down?


Aniya, “Of course. I’m already 36. I need a child.”


Dagdag pa niya, gusto raw ng kanyang ama na magkaroon ng apo kay Julia Barretto.



EVICTED na si Xyriel Manabat sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE). Sa paglabas ng aktres sa outside world ay nagkulitan agad sa online ang magkaibigang Enchong Dee at Xyriel.


Aniya sa kanyang IG account, “Wala nang photoshoot-photoshoot, mga Tol. Rekta na ‘to, kumbaga, tuhog na!!!!! Hello outside world! Gising na s’ya!!! S’ya nga!!! S’yang tunay!!!!”


Wika pa niya, “Hahahaha! Salamat sa pakikipag-iyakan, tawanan, sigawan at kuwentuhan sa amin sa loob, mga Tol. Damang-dama namin ang suporta at pagmamahal kahit wala kaming balita sa inyo – malamang wala kaming TV at selpon sa bahay.”


Patuloy pa niya, “Pero ‘yun na nga, wala ‘kong ibang maramdaman kundi gratitude at grabe sa love at blessings. Mahal ko kayo, salamat!!!”


“Till our next hika sesh, hamwa, hamwa hamwa, GUSTO N’YO YORN????” ‘Signing Off??!!!??????!!!!!!!!!???’”


Nagkomento si Enchong, “Itigil mo na 'yan! Kung ano mang gamot ‘yan, itigil mo na!!!”

“Wushuuuuuu! Maiyak-iyak ka nga nu’ng lumabas ako. Hahaha!” sagot ni Xyriel.

“Akala ko kasi pareho tayong evicted kagabi,” birong sagot ng aktor.



MAY tribute si Judy Ann Santos para sa yumaong T.G.I.S. star na si Red Sternberg.

Isa ang Teleserye Queen sa mga nagdadalamhati sa pagpanaw ng dating aktor.


Kalakip ang isang art card, ay may maigsing heartfelt message ang aktres para sa yumaong aktor. 


“Fly high, my dear friend,” ani Juday.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page