Game na game raw, pero… IKINAIIRITA NI VILMA, IBINUKING NG PRODU NG MOVIE
- BULGAR
- Nov 25, 2024
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | Nov. 25, 2024
Photo: Vilma Santos sa Uninvited - Trailer
Dream project ni Star for All Seasons Vilma Santos ang Uninvited na entry ng Mentorque Productions at Project 8 Projects sa 50th Metro Manila Film Festival 2024.
Kaya naman, ganu’n na lang katutok si Ate Vi sa mga eksena ng pelikula, ayon na rin sa producer na si Bryan Dy ng Mentorque Productions.
Nang makausap namin si Sir Bryan after ng bonggang-bonggang mediacon ng Uninvited na ginanap sa Solaire North sa QC nu’ng November 20, naikuwento nga ng matsikang producer na kahit tapos na raw ang mga eksena ni Ate Vi sa movie, ayaw pa nitong umuwi at magpahinga lalo’t may mga eksena pa si Nadine na dapat ay kasama siya, na kung tutuusin, puwede namang iba na ang gumanap o mag-double dahil balikat o likod na lang ni Ate Vi ang kukunan.
Ang katwiran ni Ate Vi, hindi magiging natural ang emosyon at pag-arte ni Nadine kung hindi siya mismo ang kaeksena.
Ganu’n ka-supportive si Vilma Santos sa kanyang mga co-stars para sa ikagaganda ng pelikula lalo na’t collaborator nga rin siya rito dahil siya ang nag-pitch ng story sa team ni Direk Dan Villegas.
At puring-puri ni Sir Bryan si Ate Vi dahil napakasarap daw nitong katrabaho at walang mga kiyeme at arte, considering her stature in the industry.
Ang ikinaiirita at ayaw lang daw ng isang Vilma Santos ay kapag may biglaang ipinagagawa sa kanya na wala naman sa plano o istorya, na understandable naman dahil ‘di professional attitude ‘yung ganu’n.
At kung nagkakaroon man daw ng mga pagtatalo minsan sa production at creative team, natural lang daw ‘yun para sa ikagaganda ng movie.
No wonder na trailer pa lang ng Uninvited na showing sa Dec. 25 at isa rin sa major cast si Aga Muhlach ay panalo na, what more ang kabuuan ng movie?!
WALANG pagsidlan ng tuwa at pagmamalaki si Senator Ramon Bong Revilla, Jr. at ang kanyang buong pamilya dahil isa nang ganap na doktor ang kanyang anak na si Dra. Loudette.
Si Dra. Loudette ay nanumpa na bilang full-fledged physician noong Biyernes, Nobyembre 22, 2024 sa Philippine Convention Center ( PICC).
Nagtapos ito ng kanyang pre-medical studies sa Ateneo de Manila University at sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UERMMMC) naman para sa kanyang Doctor of Medicine degree.
Nakapasa siya ng Physicians Licensure Examination noong Oktubre, 2024.
Ang kanyang achievement ay isang mahalagang yugto hindi lamang para sa kanyang sarili kundi sa buong pamilya Revilla na kasalukuyang nagbubunyi pa sa tagumpay ni Dra. Loudette.
Comments