Gambling lords sa Maynila, parami nang parami, paging Mayor Lacuna!
- BULGAR

- Jun 14, 2024
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 14, 2024

GAMBLING LORDS SA MAYNILA, PARAMI NANG PARAMI -- Parami nang parami ang mga gambling lords na nag-o-operate ng lotteng, bookies at EZ-2 sa Maynila, kasi kung dati ay sina alyas “Boy Abang,” “Lorna” at “Paknoy” lang ang nag-o-operate ng mga pasugalang ito, ngayon ay nadagdagan pa ang mga nangraraket ng ganitong uri ng mga illegal gambling, at sila ay sina alyas "Dani Bukol," " Anna," " Prades," "Tonton," "Tata Ber", at "Lando."
Kapag walang ginawang aksyon sina Mayora Honey Lacuna at Manila Police Director, Brig. Gen. Arnold Ibay laban sa mga ilegalistang ito ay asahan nang madaragdagan pa ang mga mangraraket sa mga taga-Maynila, boom!
XXX
24 SENADOR, 12 DEPT. HEADS AT MGA STAFF LANG, MAG-OOPIS SA NEW SENATE BLDG. WORTH P23 B -- Hanggang ngayon ay binabatikos ng publiko ang Senado sa ipinagagawang New Senate Building sa Taguig City na nagkakahalaga ng higit P23 billion.
Mababatikos talaga, kasi mantakin n’yo, 24 senador, 12 opisyal na bumubuo ng Senate Secretariat (department heads) at kanilang mga staff lang ang mag-oopisina riyan, eh ubod nang laki at lawak ang ipinatayong New Senate Building ng mga senador, boom!
XXX
ANG GINASTOS NG PAMILYA SY SA SM-MOA HIGIT P6.5 B, BUDGET NG SENADO SA KANILANG NEW SENATE BLDG. P23 B -- Ang ginasta ng pamilya Sy sa ipinatayo nilang SM-Mall of Asia (MOA) sa Pasay City ay higit P6.5 billion lang, tapos ang budget ng Senado sa kanilang New Senate Building ay P8.9 billion, at nadagdagan pa nang nadagdagan ang gastos at sa completion daw nito, aabot sa higit P23 B ang gastos.
‘Yung ginasta ng pamilya Sy na P6.5 B ay wala namang problema riyan dahil sariling pera nila ang ginamit sa pagpapagawa ng SM-Mall of Asia, eh ang nakakabuwisit, ‘yung 14 na senador na nagkaisang gastusan ng P23 B mula sa kaban ng bayan ang ipinagawa nilang New Senate Building.
Mantakin n’yo, mas malaki pa ang gastos ng Senado para sa kanilang New Senate Building kaysa SM-MOA ng pamilya Sy, mga buset!
XXX
TAMA LANG ANG GINAWANG RAID SA KOJC CHURCH DAHIL SI QUIBOLOY, MOST WANTED NA SA MGA KASONG ‘NO BAIL’ -- Sabi ni Sen. Robin Padilla, hindi raw katanggap-tanggap ang ginawang pagsalakay ng pulisya sa simbahan ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ni Pastor Apollo Quiboloy para sa paghahain ng warrant of arrest laban sa pastor.
Nalimutan yata ni Sen. Padilla na kaya sinalakay ng mga otoridad ang KOJC church ay dahil ayaw sumuko ni Quiboloy para kaharapin ang mga kaso niyang “no bail” tulad ng child sexual abuse at child sex trafficking, at kaya ganu’n katindi ang raid dahil ang pastor ay itinuturing na ngayon bilang isa sa mga most wanted criminal sa ‘Pinas, period!




Comments