top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Gambling lords at Police scalawags, tiba-tiba dahil dedma si DILG Sec. Abalos sa illegal gambling

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 13, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | March 13, 2023



P-BBM, ‘NAHIHINAAN’ SA PERFORMANCE NI SEC. ABALOS BILANG DILG SEC? –Malaking insulto kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos ang direktiba ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) kay Department of National Defense (DND) Sec. Carlito Galvez na pangunahan ang pagsugpo sa kriminalidad sa buong Negros Island at paglutas sa kasong pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.


Mandato kasi ng DILG na pangasiwaan ang Philippine National Police (PNP), na ang tungkulin ay magpairal ng peace and order, labanan ang kriminalidad at sugpuin ang mga sindikato.


Habang ang mandato ng DND ay pangasiwaan ang Armed Forces of the Philippines (AFP), na ang tungkulin ay ipagtanggol ang Pilipinas laban sa mga bansang mananakop, labanan ang mga rebelde at terorista.


Sa isyung ito, tila nahihinaan si P-BBM sa performance ni Sec. Abalos, kaya si Sec. Galvez na ang inutusan niyang labanan ang kriminalidad sa Negros Island, period!


◘◘◘


SEC. ABALOS, ‘NGANGA’ SA ILLEGAL GAMBLING, KAYA TIBA-TIBA ANG MGA GAMBLING LORDS AT SCALAWAG NA PARAK—Sa umpisa pa lang ng panunungkulan ni Sec. Abalos, marami ang napataas ng kilay kung bakit paglaban lang sa illegal drugs ang direktiba niya sa PNP at walang nabanggit tungkol sa illegal gambling, na isa sa mga source ng korupsyon sa pambansang pulisya.


At dahil ‘nganga’ sa illegal gambling si Sec. Abalos, naglulundag sa tuwa ang mga gambling lords at scalawag na parak dahil tiba-tiba sila sa operasyon ng STL-con jueteng, sakla, bookies, lotteng, perya ng bayan-con jueteng, color games, at drop balls sa iba’t ibang lugar sa ‘Pinas. Pwe!


◘◘◘


SA LAHAT NG URI NG ILLEGAL GAMBLING, SAKLANG-PATAY ANG PINAKA-BAD—Lahat ng uri ng illegal gambling ay masama, pero masasabing pinakamasama ang sakla.

Diskarte ng mga gambling lords na maglagay ng saklaan sa burol ng yumao mula sa mahirap na pamilya. Ang siste, pati ang pang-abuloy ng mga nakikipaglamay ay natatangay ng mga magsasakla, kaya imbes na sa pamilya ng namatayan mapunta ang naturang abuloy ay napupunta pa sa gambling lords.


Sa ngayon, Bulacan ang may pinakamaraming nagpapasakla, at sa kabila ng pagbabawal sa sugal na ito, eh, kataka-taka na ‘dedma’ lang sina PNP-Region 3 Director, Gen. Jose Hidalgo at PD Col. Relly Arnedo sa raket ng mga sakla operators sa kanilang jurisdiction. Boom!


◘◘◘


SA PANAHON NINA RD-3 GEN. HIDALGO AT PD COL. ARNEDO, PARANG KABUTENG NAGSULPUTAN ANG MGA SAKLAAN SA BUROL SA BULACAN—Marami nang naging police region 3 director at naging Bulacan provincial director, at sa panahon nila ay tumiklop ang mga gambling lords, walang nakapormang mga ilegalista, lalo na ang mga magsasakla dahil kada latag nila ng kanilang illegal gambling ay hinuhuli sila ng mga awtoridad.


Pero sa panahon ngayon nina PNP-Region 3 Director Gen. Hidalgo at PD Col. Arnedo, aba’y lintek, parang mga kabuteng nagsulputan ang mga saklang-patay sa mga barangay. Tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page