Galing ng PAO noon, todo-banat ngayon… ATTY. ACOSTA KAY VP LENI: WALA KANG UTANG NA LOOB!
- BULGAR

- Dec 12, 2020
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 12, 2020

Malaki ang tampo ni PAO Chief Persida Rueda Acosta kay VP Leni Robredo dahil sa naging pahayag ng bise-presidente na huwag na raw mag-ingay ang Public Attorney's Office tungkol sa issue ng Dengvaxia dahil nakakapagdulot ito ng takot sa mga tao na magpabakuna ng COVID-19 vaccine.
Pinatatahimik ang mga nagpoprotestang pamilya ng Dengvaxia victims at ang PAO na kanilang legal counsel na tumutulong upang sila ay mabigyan ng hustisya.
Of all people nga naman, bakit kailangang si VP Leni pa ang magsalita kontra sa PAO ganu'ng nu'ng bagu-bagong abogado pa lamang siya ay ang PAO ang kumandili at kumupkop sa kanya nang 1 year?
Sa PAO Naga nagtrabaho noon si VP Leni bilang abogada. Tuluyan na kayang nakalimutan ni VP Leni Robredo ang utang na loob niya sa PAO na kumandili at tumulong sa kanyang career noong bagitong abogado pa lamang siya?
Hindi ba alam ni VP Leni na marami sa mga bumoto noon sa kanya ay mula sa pamilya ng mga biktima ng Dengvaxia na humihingi ngayon ng hustisya?
Kung hindi siya sumusuporta sa ipinaglalaban ng PAO, at least, huwag na siyang magbitaw ng statement at sasabihing 'wag nang mag-ingay ang ahensiya.





Comments