Galing abroad na positive sa COVID... Sequencing, gawin na — Malacañang
- BULGAR

- Dec 3, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | December 3, 2021

Inatasan na ang National Task Force Against COVID-19 Task Group on the Management of Returning Overseas Filipinos na isumite ang mga nagpositibo ang resulta ng test sa COVID-19, mula Nobyembre 1 at sumusunod pa para sa agarang genome sequencing, sa Philippine Genome Center (PGC) dahil ito sa Omicron variant, ayon sa Malacañang ngayong Biyernes.
Sinabi ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, ang direktiba ay ibinigay sa ilalim ng Inter-Agency Task Force Resolution 152, kung saan inatasan din ang Department of Interior and Local Government (DILG) na makiisa sa mga local government units (LGUs) para sa tinatawag na active case finding at agarang pagsasagawa ng flag clusters, at agad na magsumite ng mga eligible samples para sa sequencing.
“This is to further strengthen active case finding and healthcare system capacity,” sabi ni Nograles.
Samantala, ipinaalala naman ni Dr. Alethea de Guzman ng Department of Health (DOH) sa publiko na wala pang patunay na ang Omicron variant ay nagdudulot ng mas severe COVID-19, pagkamatay dahil sa COVID-19, o kaya ay maglalagay sa mga kabataan sa higher risk na ma-infect ng virus.
“The Omicron variant is still being studied," sabi ni De Guzman ngayong Biyernes.
Ang Omicron variant ay unang na-detect ng mga South African authorities habang nai-report na mas transmissible ito.
Tinatayang nasa 35 bansa ang nakumpirmang mayroong mga kaso ng Omicron variant sa ngayon, kabilang na ang South Africa, Belgium, France, Saudi Arabia, ang UK, Netherlands, Hong Kong, Germany.








Comments