Gagawan din ng estatwa sa istasyon ng tren… KALSADA SA IRIGA, ALBAY, IPAPANGALAN KAY NORA
- BULGAR

- May 8
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 8, 20255
Photo: Nora Aunor - IG
Base sa naging pahayag ni Iriga City Mayor Rex Oliva, inaprubahan ng konseho ng lungsod ang pagbibigay ng parangal sa Superstar/National Artist na si Nora Aunor.
Isang kalsada sa Iriga ang papangalanang Nora Aunor Street. Magpapagawa rin sila ng isang statue ng Superstar at itatayo sa PNR Station ng Iriga, kung saan dito dati nagtitinda ng tubig si Nora.
Balak din na magkaroon ng Nora Aunor Museum sa Iriga at dito ilalagay ang ilang memorabilia ng Superstar. At aprubado na rin para ideklarang “Nora Aunor Day” sa Iriga ang May 21.
Ipinagmamalaki ng Iriga City na may isang Nora Aunor na nagbigay ng malaking karangalan sa kanilang siyudad. Karapat-dapat na bigyan ng importansiya bilang Superstar at National Artist si Nora Aunor.
Halos 1 year nagpagamot ng kanser…
SENS. BONG, JINGGOY AT ROBIN, TULUNG-TULONG SA HOSPITAL BILL NI RICKY
Well-loved sa showbiz ang yumaong aktor-direktor na si Ricky Davao kaya naman dagsa ang nakiramay nang siya ay namatay dahil sa cancer.
Maraming non-showbiz friends si Ricky. At maging sa showbiz ay nakatrabaho na niya ang halos lahat ng mga artista at direktor, kaya marami ang labis na nalungkot sa biglaan niyang pagpanaw.
Halos inabot ng isang taon ang pagpapagamot ni Ricky, kaya malaking halaga ang inabot ng kanilang medical bill.
Kaya naman, hindi nagkait ng tulong ang ilang kaibigang actor-politician ni Ricky Davao tulad nina Sen. Bong Revilla, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Robin Padilla, atbp.
Bumuhos ang maraming tulong sa pamilya ni Ricky Davao, kaya labis na nagpapasalamat si Jackie Lou at ang kanilang mga anak.
MARAMI ang humanga kay Jackie Lou Blanco dahil naging open siya sa kanyang feelings noong eulogy para sa ex-husband niyang si Ricky Davao.
Pinasalamatan ni Jackie ang girlfriend ni Ricky na si Malca. Parang eksena sa pelikula na nagyakap si Jackie Lou at ang huling karelasyon ng kanyang ex-mister.
Binanggit din ni Jackie Lou na bago si Malca ay meron pang isang babae na naugnay kay Ricky. Nagkaroon sila ng isang anak, kaya bale 4 ang naging anak ni Ricky Davao.
Tatlo ang anak nila ni Jackie Lou at isa sa nakarelasyong non-showbiz.
Ayon pa kay Jackie Lou, tanggap niya na nagkaroon ng ibang karelasyon si Ricky noong sila ay naghiwalay. Napatawad na niya ang kanyang ex-husband.
Kaya naman sa burol ng batikang aktor ay si Jackie Lou ang punong-abala sa pag-aasikaso sa mga dumating upang makiramay sa kanila.










Comments