Gadget para sa distance learning, ipamamahagi sa guro at estudyante sa Maynila
- BULGAR

- Aug 26, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | August 26, 2020

Bibigyan ng pamahalaang lokal ng Maynila ang school division office ng laptop, tablet at
pocket WiFi bilang bahagi ng system shift sa distance learning sa darating na academic year dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa Public Information Office (PIO) ng Maynila, magsisimula sa September 1 ang
distribution ng mga gadgets para sa mga teacher at estudyante.
Planong bigyan ng LGU ang bawat kabahayan ng isang tablet at isang laptop naman sa isang guro.
Ang 11,000 laptop at pocket WiFi ay inaasahang ipamahagi sa mga guro, habang ang
136,950 tablets at 296,000 data SIM cards ay para sa mga estudyante.
Una ng sinabi ni Manila City Mayor Isko Moreno na 1 bilyon ang inilaan nito para sa gadget na gagamitin sa distance learning.





Comments