Gaano ka magtiwala sa pamahiin?
- BULGAR

- Nov 10, 2020
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 10, 2020

Malapit na ang Biyernes 13, saan nga ba galing ang pamahiin o kasabihang “Friday the 13th?” Ito nga ba ang araw na dapat tayong mag-ingat? Ang mga sinauna ay nagsasabi na ang 13 ay hindi raw masuwerteng numero at ang matapat na Biyernes ay malas na araw. Pero lahat tayo ay mas gusto ang araw ng Biyernes dahil pinakamasarap na araw ito ng gimikan dahil patapos na ang linggo. Sinasabi na si Hesus ay pinako sa krus ng Biyernes. Kaya ang “Black” Friday na tinatawag ay hinango na ring salita sa stock market buhat noong 1800 at iba pang kalamidad. Nagkakataon nga lang ba?
Sabi ng Stress Management Center and Phobia Institute sa Asheville, North Carolina nasukat nila na ang may 17 hanggang 21 milyon na katao sa U.S. ay takot sa naturang araw. Ang ilang tao ay hindi na lumalabas ng bahay, nagpapahinga lang at walang ginagawang anumang normal na routine. Ang aktuwal na teknikal na pangalan ng Friday the 13th ay ang "paraskavedekatriaphobia" na isang Griyegong wika. Sa ilang siglong nagdaan, ang Biyernes ay kilala bilang “malakas na araw ng mga bertud, mga anting-anting at kapangyarihang itim.” May mitolohikal na istorya na ang Biyernes ay galing sa pangalan ng pagala-galang diyosa ng pag-ibig at pertilidad. Nang ang German at Norse tribes ay naging Kristiyano , ang mga diyosa ay pinalayas sa kabundukan at tinawag na mga mangkukulam. Sinasabi nila na kada Biyernes, ang rebeldeng si Frigga na dating diyosa ay nagpatawag ng pulong sa 11 pang mga mangkukulam, kabilang na ang demonyo (kung kaya naging 13 sila) upang maghasik ng masamang senaryo sa susunod na linggo.
Baka marami lang ang nagbibiro hinggil sa bad Friday the 13th at masyadong mapamahiin sa likod ng isipan. Kaya kung naghahanap ka ng masama ngayong araw na ito dahil ang masama ay nangyayari sa lahat ng oras ay nagkataon lamang. Huwag susuko sa gagawin, anuman ang araw na iyan. Maging matalino na magkaroon ng pandepensa. Kung gustong makaiwas sa holdap, umiwas sa peligrosong lugar at mag-ingat mabuti. Sa mga akyat-bahay ay huwag iiwang bukas ang mga bintana at pintuan.
Pero para sa iba na naniniwalang ito ay may hatid na suwerte ay dapat ito ang araw na tumaya sa lotto o kaya ay kung may mag-alok sa'yo ng raffle prizes o raffle promos, siguradong baka tamaan mo. Kailangang lakipan mo ng ibayong dasal upang suwertehin.








Comments