Full-face helmet, required sa motorsiklista at backrider sa ilalim ng GCQ
- BULGAR

- Aug 24, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | August 24, 2020

Kinakailangan ng magsuot ng full-face visor helmet ang mga motorcycle driver at backrider sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ayon sa Metropolitan Development Authority (MMDA).
Bahagi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na galing sa Joint Task Force (JTF) COVID Shield ang ordinansang ito. Dagdag pa niya, delikado para sa mga motorsiklista ang pagsuot ng face shield at maaaring maaksidente kaya naman bilang substitute dito ay full-face helmet ang gagamitin.
Sa inilabas na Facebook post ng MMDA, sinabi rito na ito ang bagong measure kasama ang guidelines ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 para sa motorcycle backriding sa ilalim ng GCQ.
Kailangan umanong abot hanggang baba ang visor o shield ng helmet at kinakailangan na suot ito kasama ng mask sa buong biyahe.





Comments