Free tablet at laptop sa mga estudyante at guro sa Pasig
- BULGAR

- Sep 9, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | September 9, 2020

Ipamamahagi na sa susunod na buwan ng local government ng Pasig City ang mga tablet at laptop para sa mga estudyante at guro na magagamit nila sa online class.
Sa kanilang Facebook page, inanunsiyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto na makukuha na ng mga estudyante at guro ang kanilang tablet at laptop simula Oktubre 1, ilang araw bago magsimula ang pasukan.
Una nang inanunsiyo ni Sotto na naglaan ito ng P1.3 bilyong pondo na pambili ng tablet at laptop para sa mga estudyante at guro sa public school.
Bukod pa rito, nakipagtulungan din ang Pasig City sa Thames International kung saan matuturuan ang mga guro sa digital learning. Para naman sa mga magulang ng estudyante, naghanda rin ang Pasig City ng online “Nanay/Tatay Teacher workshop” upang matulungan ang kanilang mga anak sa learning modules.





Comments