ni Eli San Miguel @World News | August 13, 2024
Sinuportahan ng mga lider mula sa France, Germany, at Britain ang pinakabagong pagsisikap ng U.S., Qatar, at Egypt na wakasan ang 10-buwang digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Hiniling din nila ang pagpapalaya ng maraming bihag na hawak ng Hamas at ang malayang paghahatid ng humanitarian aid.
Ilang buwan nang nagtatrabaho ang mga mediators sa isang three-phase plan kung saan ilalabas ng Hamas ang mga bihag mula sa kanilang pag-atake noong Oktubre 7 kapalit ng mga Palestinian na nakakulong sa Israel, pati na rin ang pag-alis ng Israel mula sa Gaza.
Inaasahan namang magpapatuloy ang mga pag-uusap sa Huwebes. Nilagdaan nina French President Emmanuel Macron, German Chancellor Olaf Scholz, at British Prime Minister Keir Starmer ang panawagan ng tigil-putukan.
Comentarios