top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Foreigner bf, dapat pakasalan dahil ka-compatible

BULGAR
Nov 23, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| November 23, 2022

Dear Maestro,


May boyfriend akong foreigner at nakilala ko siya sa pamamagitan ng social media. Halos anim na buwan na rin ang aming relasyon. Matagal ko na kasi siyang sinagot at hindi ko na pinahirapan pa.


Niyayaya na niya akong magpakasal at bibisita raw siya rito sa January o February next year para magkita na kami, at kapag naging maayos ang aming relasyon ay handa raw siyang pakasalan ako.


Gusto kong malaman kung dapat na ba akong makipagkita sa kanya at magka-compatible ba kami, gayundin, makakatuluyan ko ba siya at magiging maligaya ba ako sa piling niya?


Nagdadalawang-isip pa kasi ako, kaya kailangan ko ang advice n’yo. July 7, 1996 ang birthday ko, habang November 13, 1990 naman ang boyfriend ko na isang Norwegian.


Umaasa,

Ms. Cute ng Burgos, Rodriguez, Rizal


Dear Ms. Cute,


Huwag ka nang magdalawang-isip pa dahil sa panahong ito ng iyong buhay, masasabing ang boyfriend mong foreigner ang isa sa mga suwerteng dumating sa iyong kapalaran.


Kaya ang pinakamaganda mong magagawa ngayon ay sunggaban ang alok niyang kasal.

Samantala, ayon sa zodiac sign mong Cancer at Scorpio naman ang boyfriend mo, sadyang compatible kayo, sapagkat kapwa nagtataglay ng elementong water o tubig ang inyong mga zodiac sign.


Sa Numerology, ganundin ang birth date mong 7 ay compatible sa birth date na 13 o 4 (1+3=4) ng boyfriend mo. Ibig sabihin, walang alinlangang kapwa kayo tugma sa Astro-Numerology na pag-aanalisa, kaya sobrang laki ng pag-asa na kayo ang magkakatuluyan sa takdang panahon na inilaan ng kapalaran.


Kaya kung sakaling magkita kayo sa pagbisita niya sa ating bansa sa darating na 2023, tiyak ang magaganap — nakatakda na sa inyong samahan ang makabuo ng masaya at panghabambuhay na relasyon. At tulad ng inaasahan, habang pumapasok ang taon ng Rabbit o Kuneho sa 2023, kasabay naman nitong iinit ang inyong relasyon hanggang sa sumapit ang taong 2024, kung saan sa edad mong 28 pataas at 34 naman ang boyfriend mong foreigner, tuluyan na kayong ikakasal at bubuo ng masaya at panghabambuhay na pamilya sa ibayong-dagat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page