top of page
Pokwang.jpg

Fixer sa social media, nagkalat! Tsk-tsk-tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 25, 2021
1 min read

@Editorial | January 25, 2021



Kamakailan nang dinampot ng mga awtoridad ang apat na fixer sa Land Transportation Office (LTO) sa isang lungsod makaraang alukin nila ng serbisyo ang mismong alkalde rito.


Mag-iinspeksiyon umano sana ng dregding project sa siyudad ang mayor nang pinara ito ng mga fixer para umano sa LTO registration.


Napansin na hindi nakauniporme ang mga ito kaya inisip na fixers ang mga ito na naghahanap ng kliyente. Kaya tumawag ang opisyal sa PNP at pinadampot ang mga fixers.


Tulad ng iniisip ng karamihan, tiyak na may mga kasabwat at may protektor ang mga ito sa mismong LTO.


Nagkalat na rin ang mga fixer sa social media, nag-aalok sa pagsasaayos ng aplikasyon.


Sa ngayon, iniimbestigahan na ng LTO ang mga indibidwal na sangkot dito maging ang mga kumuha ng kanilang serbisyo para sa kaukulang kasong criminal, civil, at administrative laban sa mga ito. Kaya sa mga nag-aakala na mas mapabibilis ang transaksiyon sa pamamagitan ng mga fixer, nagkakamali kayo.


Samantala, isa sa mga nakikitang solusyon upang mawala o mabawasan man lang ang mga fixer hindi lang sa LTO kundi sa lahat ng ahensiya ng gobyerno ay bilis-bilisan ang paseserbisyo sa publiko.


Karamihan sa mga lumalapit o nahihikayat ng mga fixer ay silang mga walang tiyaga pumila o maghintay. Okay na silang mapagastos kesa abutin ng siyam-siyam.


Higit sa lahat, isa pa sa solusyon ay ang paglantad sa mga kasabwat ng mga fixer sa loob ng gobyerno mismo na nakikinabang din sa pera imbes na nagtatrabaho nang maayos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page