Fishkill sa Halag Riverside
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | June 29, 2026

Photo: Mga isda sa Halag Riverside sa Ifugao, tinamaan ng fishkill dahil umano sa mababang oxygen level ng ilog. (Mai Ancheta)
Libo-libong tilapya ang naglutangan sa mga fishpen sa Halag Riverside, sa bayan ng Aguinaldo, Ifugao.
Batay sa report, hindi umano sapat ang oxygen level sa ilog na naging dahilan ng pagkamatay ng mga isda.
Laking panlulumo umano ang naramdaman ng mga mangingisda dahil malaking dagok ito sa kanilang kabuhayan.
Nakaapekto umano sa fishkill ang bumababang water level sa Magat Dam sa Isabela na nagsu-supply ng tubig sa maraming ilog sa northern Luzon.
Umapela ang mga mangingisda sa mga lokal na opisyal sa Ifugao at maging sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na tulungan sila upang makabawi sa malaking pagkalugi sa kanilang mga alagang isda.





Comments