top of page
Anjo Yllana vs TVJ - Ogie Diaz Inteview - YT.jpg

Fish kill sa Magat Dam, 10 toneladang tilapia, nasayang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 28
  • 1 min read

ni V. Reyes | June 28, 2026



Fish kill sa Magat Dam 10 toneladang tilapia - May VIcente Dingle

Photo FB / May VIcente Dingle


Tinatayang 10 metriko toneladang tilapia ang nasayang sa mga palaisdaan sa Magat Dam, Isabela dahil sa fish kill.


Nabatid mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nakaranas ng pagbaba ng antas ng tubig sa dam at mababang oxygen, kaya namatay ang mga isda.

Partikular na apektado ng fish kill ang mga bayan ng Ramon at Cordon kung saan ay sinasabing umabot na sa mahigit milyong piso ang ikinalugi ng mga operator ng palaisdaan.


Nakahanda naman ang Isabela Provincial Fishery Office na magpaabot ng tulong sa mga naapektuhang may-ari ng mga fish pen upang makapagsimulang muli.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page