First time na pumatol sa bata… SHARON, SI MARCO GUMABAO ANG BAGO
- BULGAR

- Mar 1, 2021
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 1, 2021

Pagkatapos ng 19 years na nawala si Sharon Cuneta sa Viva Films ay balik siya sa kumpanya para sa pelikulang Revirginized kung saan makakapareha niya ang young actor na si Marco Gumabao.
Viva ang unang humawak ng career ni Sharon nang pumasok siya sa showbiz bilang singer-actress.
Sa title pa lang ng pelikula, tiyak na ibang Sharon ang mapapanood ng mga Megastar fans. Sure na sexy film ang tema ng Sharon-Marco movie.
Makakasama ni Shawie ang mga sexy stars noong ‘90s na sina Cristina Gonzales, Rosanna Roces at Albert Martinez.
First time ring sasabak ni Megastar sa May-December affair kung magkakaroon sila ng intimate scene ni Marco.





Comments