First time mula nang ikasal… SARAH AT MATTEO, NAG-LIPS-TO-LIPS NA IN PUBLIC
ni Jenny Rose Albason -OJT @Sheet Matters | March 27, 2023

Ipinagdiwang ni Matteo Guidicelli ang kanyang 33rd birthday sa kanilang family restaurant sa Alabang noong Linggo.
Naging extra special ang kaarawan ng aktor dahil kasama nito ang kanyang pamilya, close friends and of course, ang asawang si Sarah Geronimo.
Nagbigay naman ng pagbati si Mrs. Sarah G. para sa kaarawan ng mister.
Saad ng singer-actress, "To my loving husband, happy, happy birthday, Love."
Spotted din sa birthday celebration ng aktor sina Liz Uy, Sofia Andres, Daniel Miranda at iba pa.
Makikita sa isang video clip na in-upload ng isang fan na nag-kiss sa lips sina Sarah at Matteo.
Actually, ito ang unang beses na nakita ang dalawa na nag-kiss in public dahil kadalasan, halik sa noo at beso-beso lang ang kanilang ginagawa.
Kaya naman, umani ng iba't ibang komento ang nasabing video clip tulad ng "Sarah G, baka magalit si Mommy D. niyan.”
Dagdag pa ng isa, “Wow, ang sweet naman! SANA ALL”
Siyam na taong naging magkasintahan sina Matteo at Sarah bago nagpakasal nu'ng Feb. 20, 2020 at kamakailan nga lang, nag-celebrate na rin ang mag-asawa ng kanilang 3rd wedding anniversary.





Comments