Search
  • BULGAR

First-ever Apple Store na nakalutang sa tubig, matatagpuan sa Singapore

ni Thea Janica Teh | August 25, 2020



Tindahan na nakalutang sa tubig? Yes, dahil ang newest Apple store sa Singapore, nakalutang sa Marina Bay Sands!

Ayon sa Apple spokesperson na malapit ng i-unveil ang first-ever floating store ng Apple sa Marina Bay Sands sa Singapore. Ito rin umano ay kasama sa pagdiriwang ng first Apple store sa buong mundo na nakalutang sa tubig.

Aniya, “we can’t wait to see you soon. Apple Marina Bay Sands will bring the best of Apple to our customers at an iconic location in Singapore.”

Sa kanilang website, makikita ang animation kung saan ang Apple logo ay ‘tila nakalutang sa tubig. Bukod pa rito, inaasahan din na ito ang much-awaited store na “the heart of creativity, a place we’ve made for you to capture your ideas and passions. It will be a space for you to explore, connect and create something new."

Noong 2017, unang binuksan ng Apple ang kanilang kauna-unahang store sa Singapore sa Orchard Road. Sumunod naman dito ang pagbubukas ng store sa Jewel Changi airport noong 2019.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.