Final report, hihingin ng UAAP sa UST zoom meeting
- BULGAR

- Aug 28, 2020
- 1 min read
ni VA - @Sports | August 28, 2020

Kasunod ng University of Santo Tomas, nakatakda ring pagpaliwanagin ang National University dahil sa umano'y naging paglabag nila sa national government quarantine protocols.
Base sa ilang mga ulat, nagsagawa ng training sessions ang women’s volleyball team ng NU sa campus nila sa Calamba, Laguna kahit umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).
May mga naglabasang mga larawan na karamihan ay nabura na sa mga social media accounts ng mga miyembro ng Lady Bulldogs na nagpapakita ng kanilang pag-iensayo mula noong nakaraan pang Mayo.
Ayon kay assistant coach Regine Diego, maglalabas ng official statement ang NU tungkol sa isyu.
Samantala, sinabi naman ng Philippine Sports Commission (PSC), ang oversight body para amateur sports sa ilalim ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na hindi lamang UST kundi maraming mga eskuwelahan ang nagsasagawa ng pagsasanay ng walang pahintulot habang nasa quarantine.
“This is not just [happening] in UST,” pahayag ni PSC chairman William Ramirez.
Ang mga recreational at non-professional contact sports ay ipinagbabawal habang wala pang epektibong bakuna na inilalabas kontra COVID-19 ayon sa IATF Joint Administrative Order.





Comments