Filipino nationality kay Sanchez, aprub na ng World Aquatics
- BULGAR
- Jul 10, 2023
- 1 min read
ni VA @Sports | July 10, 2023

Inaprubahan ng World Aquatics-ang international federation para sa water sports ang pagpapalit ng swimmer na si Kayla Noelle Sanchez ng kanyang nationality mula Canadian sa pagiging Filipino noong nakaraang Huwebes.
“The World Aquatics has approved the request for the sport nationality’s change of the Athlete [Sanchez], born on 7 April 2001, in the Aquatics sports of Swimming, from Canada (CAN) to Philippines (PH),” pahayag ni World Aquatics legal counsel Loic Loutan sa isang liham na may petsang Hulyo 4 na ipinadala nila sa Philippine Olympic Committee (POC).
“Therefore, the Athlete is entitled to represent Philippines (PHI) in international competitions from 6 July 2023 onwards,” dagdag nito.
Mismong si POC president Abraham “Bambol” Tolentino ang tumutok sa pagpapalit ng nationality ni Sanchez maging ang pagkumpleto nito sa isang taon na residency requirement.
“Finally, the good news,” ani Tolentino. “The country now has a very strong anchor in its national swimming team.”
Si Sanchez na Ang mga magulang ay tubong Pampanga, ay opisyal na sasalang sa paglangoy para sa Pilipinas sa darating na 19th Asian Games sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 8, 2023 sa Hangzhou, China.
Hindi na sIya lalahok sa World Aquatics Championships na gaganapin sa Hulyo 14 - 30 sa Fukuoka, Japan para makapag-focuS sa kanyang preparasyon para sa Asian Games.
Lumaki sa Canada, nagwagi si Sanchez ng silver medal sa 4x100m freestyle relay at bronze sa 4x100m medley relay bilang miyembro ng Canadian team noong 2020 Tokyo Olympics.
Nagwagi rin sIya ng tatlong gold medals para sa Canada sa world championships.








Comments