FEU sinuwag ang sigasig ng UE, tumba kay Konateh

by Gerard Arce @Sports News | November 5, 2026

Photo: Tumatag sa pagbasket si Cole-Cruz Dumont ng University of the East sa pagsabay ng depensa ni Janrey Pasaol ng Far Eastern University sa bahaging ito ng kanilang laro sa UAAP Season 89 men's basketball sa Araneta Coliseum kahapon. (Reymundo Nillama)
Mga laro sa Sabado(Smart Araneta Coliseum)
8 a.m. – UPIS vs AdU (16U)
10 a.m. – AdU vs UE (Women)
12 p.m. – UP vs Ateneo (Women)
2:30 p.m. – AdU vs UE (Men)
6 p.m. – UP vs Ateneo (Men)
Nagawang masuwag ng FEU Tamaraws ang masigasig na pagnanais ng UE Red Warriors na makakuha ng unang biktima sa liga matapos makamit ang 94-83 na panalo upang tuluyang mapatalsik sa kontensiyon ang kapitbahay na katunggali sa 2nd round ng UAAP Season 89 Collegiate Men’s Basketball Tournament kahapon sa SMART Araneta Coliseum.
Dahil sa panalo ay nagawang mapatayog ng Tamaraws ang kartada sa 6-4 marka habang lumilinaw ang daan para sa pamumuno ni head coach Sean Chambers. “We’re happy where we’re at compared to last year. I told the guys in practice yesterday we should be very happy that we put ourselves in a situation that we get to control our own destiny,” pahayag ni Chambers.
Bahagyang nabagabag ang FEU Tamaraws sa third period ng magsimulang umarangkada ang atake ng Red Warriors nina Jadden Datumalim at Lance Sabroso.
Subalit hindi pumayag sina Mo Konateh, Jorick Bautista, at Elias Gish, na nagtulong sa 8 puntos para isarado sa 71-58. Hindi na binitiwan pa ng FEU ang kalamangan. Bumida si Bautista sa 18 points, double-double si Konateh sa 15 points at 19 boards. Nanguna sa UE si Toper Lagat sa game-high 24 points.





Comments