top of page
WINNER - MOCHA, NAGSALITA NA SA KALAT NANG NABUNTIS NI SEN. ROBIN-IG _mochauson & _robinpa

FEU magpapasikat sa opening ceremony, aksiyon ng UAAP simula na sa Linggo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

by Gerard Arce @Sports News | September 8, 2026



Ang walong coaches ng UAAP season89 sa press conference ng torneo sa Novotel, Manila.

Photo: Ang walong coaches ng UAAP season89 sa press conference ng torneo sa Novotel, Manila. (Gerard Arce)


Mga laro sa Sabado (Set. 12) (MOA Arena)

5 pm – Opening Ceremony

Mga laro sa Linggo (Set 13) 12 nn –

FEU vs Adamson 2:30 pm –

La Salle vs NU 6 pm –

UP vs UST (Separate Tickets)



Patutunayan ng season host Far Eastern University na pangkalahatan ang temang ihahandog upang mas lalong makarating ang kanilang mensahe higit pa man sa kumpetisyon na ipinapakita sa loob at labas ng pampalakasan na kinakatawan ng bawat walong miyembrong unibersidad.


Mula sa inspirasyong dulot ng "Be Brave" na mantra ng unibersidad, nananawagan ang tema sa komunidad ng UAAP na makipagkumpitensya nang may dalang integridad, kaantabay ang pagsuportahan sa isa't isa, at patatagin ang mga ugnayang nagpapahalaga sa collegiate sports nang higit pa sa simpleng kompetisyon.


Opisyal na magbubukas ang season sa darating na Sabado sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City sa isang magarbong pestibidad na katatampukan ng mga FEU Alumni na sina Gloc-9 at Vice Ganda na mangunguna sa opening ceremony, kung saan maririnig ang opisyal na tugtog nitong “Dito sa Amin” na ginawa at kakantahin ni Gloc-9.


“It carries the same spirit, it speaks of belonging, pride, unity and the courage to stand together,” pahayag ni UAAP Season 89 President Mark Molina patungkol sa kanta, kahapon sa ginanap na press conference sa Novotel Manila sa Quezon City, na pinanatili ang isang malinaw at nakikilalang logo na marka ng pangkalahatang pagkilala sa sports organization.


“We believe there should be only one UAAP logo. Creating a different logo for every season can confuse the audience and weaken the branding of the UAAP logo,” dagdag ni Molina, na ipinagmalaki ring nilikha ang naturang logo ng kanilang Alumna noong 2021 na si FEU Bachelor of Fine Arts Visual Communication student Darryl John Digal, na ipapares naman sa tema ngayong season na “For Everyone, UAAP.”


Inilahad rin sa naturang kaganapan ang pagpapalabas ng mga laro sa UAAP Varsity Channel 263 sa HD, gayundin sa One Sports free-to-air television, at sa CignalPlay app, mapapanood rin ng live sa buong mundo ang UAAP men’s basketball tournament sa ONE Sports Youtube channel.


Pormal namang masisilayan ang mga aksyon sa hardcourt sa darating na Linggo, Setyembre 13 sa SMART Araneta Coliseum, para sa triple-header na katatampukan ng FEU Tamaraws kontra sa Adamson University Soaring Falcons sa alas-12:00 ng tanghali na susundan ng defending champion De La Salle University Green Archers laban sa National University Bulldogs sa alas-2:30 ng hapon sa rematch ng Final Four noong isang taon, habang magtatapat sa main game sa alas-6:00 ng gabi ang runner-up na University of the Philippines Fighting Maroons at third placer University of Santo Tomas Growling Tigers, sa hiwalay naman na ticket.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page