Feeling hopeless sumaya ang love life, makapag-aasawa pa base sa guhit ng palad
- BULGAR
- Mar 30, 2021
- 1 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | March 31, 2021

KATANUNGAN
Bakit ganu’n, Maestro, ang dami ko nang naging boyfriend pero walang nagtagal? Ano ba ang masasabi n’yo sa aking kapalaran, lalo na sa love life?
Gusto kong malaman kung nasa guhit ba ng palad ko na makapag-aasawa pa ako at magkakaroon ng maligayang pamilya balang-araw?
KASAGUTAN
Kapansin-pansin ang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad na medyo mahaba. Kasabay at dagdag pa rito, may biglang pagdating na sinabayan pa ng Guhit ng Biglaang Pagdating ng Lalaki na sumama sa Fate Line (Drawing A. at B. K-K arrow b. at F-F arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Ito ay malinaw na tanda ng biglaang pag-aasawa at nagsasabi ring kahit huwag ka munang tumanggap ng manliligaw o maghanap ng magiging boyfriend ngayon, nakatakda na ang mangyayari. Ibig sabihin, kung sino pa ang lalaking hindi mo inaasahan, siya ay biglang darating upang magtapat ng pag-ibig sa iyo at bigla ka na lang mai-in love at bigla ka niyang aalukin ng kasal. Dahil dito, kusang tutugma sa iyong karanasan ang kasabihang, “Ang wagas na pag-ibig, hanapin mo man o hindi, kusa ring darating at lalapit sa takdang panahong inilaan ng kapalaran!”
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Adeline, tiyak ang magaganap, sa hindi inaasahang sandali at lugar, biglang lulutang ang isang lalaking medyo balingkinitan ang pangangatawan at eksakto lang ang height sa iyong taas, disente ang dating – siya ang nakatakda mong maging kahuli-hulihang boyfriend hanggang sa tuluyan na ring mapangasawa, na mangyayari at maganap sa susunod na taong 2022 sa edad mong 27 pataas.




Comments