Favorite shopping area, may repleksiyon sa ugali
- BULGAR

- Feb 27, 2021
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 27, 2021

Maging ang hilig mo man ay pagsa-shopping online o paghahanap ng mga antigong kagamitan sa ilang mga antique shops, kahit sino ay may tinatawag na paboritong lugar kung saan niya type na mamili.
At iyan namang paborito mong shopping area ang magsasaad sa repleksiyon ng iyong ugali.
1. KUNG MAS GUSTO MONG MAG-SHOPPING SA IISANG OUTLET O ONE STOP SHOP TULAD NG GROCERY: Ikaw ay matiyagang magplano. Dahil ayaw mo nang magpaikut-ikot pa sa ibang tindahan. Ang outlet shopping kasi ay nangangailangan ng plano dahil excited ka sa napakaraming mapagpipilian at gusto mong mamili ayon sa impulsibo mong kagustuhan. Ikaw ay walang pagod sa paghahanap ng priceless na mga kagamitan. At ang ugali mo ay malakas ang kumpiyansa lalo na’t mapaghanap ka ng discount, matalino kang mamili umiibayo ang lakas ng iyong diskarte, mahusay magdesisyon sa lahat ng aspeto ng buhay.
2. PAMIMILI ONLINE: Ikaw ay hindi na nag-uurong sulong. Kapag nagtiwala ka sa iyong unang instinct o kutob, sumisige ka lang, go ka lang ng go! Ambisyoso kang tao, independent at mabilis kung kumilos. At dahil ganito ang ugali mo, tumatalas ang husay mo sa pamimili. At dahil mabilis kang magdesisyon bunga ng husay sa paghahanap sa online, pampaganda ng mood ang naturang bagay para sa’yo.
3. UKAY-UKAY O SECOND HAND SHOPS ANG PABORITO MO: Matipid ka pero nasa uso pa rin at dahil appreciated mo ang mga klasiko o lumang bagay, napakahalaga sa’yo ng mga bagay na matatagal na. Rumerespeto ka sa mga unang bagay na magaganda habang handa mo itong baguhin para sa bagong hitsura at maipagmamalaki. Ugali mo rin ang maging inspirasyon ng iba, ugaling parang lider na sinusunod ng marami. Ginagawa mo ito dahil ito ang numero mong pantanggal ng iyong stress. Ang matipid na pamimili ay gaya na rin ng masusing inspeksiyon mo ng isang bagay bago bilhin. Ang simpleng dahan-dahan na panunuri ang siyang nagpapaalis ng iyong pag-aalinlangan.
Sa halip na may depenidong mga layunin sa isipan, ang isang consignment shoppers ay nagagawa nang fun hobby ang naturang ugali. Ito na rin ang nakatutulong upang maglabas ng feel-good brain chemicals na magpapaibayo sa iyong nararamdaman.
4. HILIG NA PAGPUNTA SA MALL: Ikaw ay isang palakaibigan na tao. Para sa iyo ang mall ay hindi lang isang magandang lugar para makita ang lahat ng gusto. Masaya kasi sa’yo ang makakita ng maraming bagay at tao at ang personalidad mong pagiging outgoing ay gusto mo ring namamasyal dito na kasama ang kaibigan. Mainam sa’yo ang pagpunta sa mall dahil nakapaglalakad ka ng matagal at mahabaan. Para sa iyo healthy rin ang paglalakad, nakatutuwa rin para sa iyo na makakita ng mga carousel at masarap na amoy ng mga pagkain sa food court. Iniaangat din nito ang espiritu ng kasiyahan dagdag pa na kasama ang mga kaibigan.








Comments