top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Fans, umay na umay na… JULIE ANNE, RAYVER AT ALDEN, IPINATATANGGAL SA SHOW NG SIYETE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 29, 2021
2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | January 29, 2021




Pinakinggan ng GMA-7 ang panawagan ng mga Kapuso viewers na gawin nang live ang All-Out Sundays dahil sa Sunday na anniversary ng show, live ang episode na mapapanood.


Nag-tweet na nga si Mark Bautista ng "#AllOutSundays is going live this Sunday for our Anniversary!!! Yahoo! Abangan!”


Ang hindi pa masasagot ay ang isa pang request ng mga viewers na sana ay alisin na ang comedy segment ng AOS at kantahan at sayawan na lang ang mapanood. Bigyan na lang daw ng ibang show ang mga komedyante ng network.


Ang sure na hindi ibibigay ng network ay ang request ng ibang fans ng mga kasama sa AOS na alisin sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, at Alden Richards at ipaubaya na lang sa ibang Kapuso talents ang show. Ang tatlo ang pambato ng show together with Mark, Christian Bautista, and Aicelle Santos, bakit sila aalisin?


Pinagdidiskitahan si Alden ng mga fans ng XOXO at iba pang Kapuso talents. May iba naman daw show si Alden, doon na lang ito. Sa palagay ba nila, magre-rate ang AOS kung wala si Alden? 'Kaloka!


Saka, ang alam ng marami, kasama na si Alden noong conceptualization ng show. Ang mga idols ng nagrereklamong fans, nagge-guest lang, kaya bakit aalisin si Alden?


Sabi pa nila, mag-concentrate na lang daw sa Eat… Bulaga! at Centerstage si Alden lalo na at magbabalik na ang huling show sa February 7.


Tuloy na nga ang paghahanap ng Bida Kid sa Centerstage at kasama pa rin ni Alden si Betong Sumaya at ang mga judges na sina Pops Fernandez, Aicelle Santos at ang musical director na si Mel Villena.


"Siyempre, being with the kids, as the host, I get to know their stories, what drives them to showcase their talents on TV. Ang sarap din kasing makarinig ng iba’t ibang stories ng mga bata kasi naaalala ko dati ‘yung journey ko noong nagsisimula ako. I share the same sentiments and the same dreams with them when I was young,” sabi ni Alden.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page