top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Fans, nabitin sa story ng dalawang bading… MOVIE NINA ADRIAN AT KEANN, BUMENTA, MAY PART 2

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 8, 2021
1 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | January 8, 2021




Confirmed, may sequel ang pelikulang The Boy Foretold by the Stars na pinagbidahan nina Adrian Lindayag at Keann Johnson.


Ito ang sinabi sa amin ng isa sa Clever Minds producer na si Omar Sortijas dahil maraming nagpapadala sa kanila ng mensahe na dapat ay may kasunod ang love story nina Dominic at Luke dahil bitin daw.


Isa pang dahilan kung bakit nadesisyunang magkaroon ng sequel ay dahil sa request din ng mga nakapanood na at magagandang reviews na ipinost din sa social media.


Habang isinusulat namin ang balitang ito ay may meeting si Omar sa mga theater owners para sa pagpapalabas ng The Boy Foretold by the Stars at hinihintay na ito sa Ayala at SM.


Last day na ngayon ng Metro Manila Film Festival 2020 na mapapanood sa Upstream.ph at simula bukas ay mapapanood na ang Dominic/Luke movie sa KTX.ph sa halagang P250.


Samantala, may supporters sina Adrian at Keann na naglabas ng TBFBTS pillows na available sa online na mabenta at may apat na disenyong puwedeng pagpilian tulad ng magkasamang nakaupo sina Dominic (Adrian Lindayag) at Luke (Keann Johnson) at nakatingin sa mga bituin, ang magkaharap sa pagitan ng kandila habang nasa ground sila during the retreat, ang studio pictorial at ang kuha sa virtual Parade of the Stars at lanyard o sabitan ng ID.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page