ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Oct. 25, 2024
'Kaloka, mga ateng! Trending na naman ang KathDen (Kathryn Bernardo at Alden Richards) dahil sa kanilang Metro Magazine cover story na punumpuno ng kilig, kaya kilig-kiligan din ang mga faney at netizens, ha!
Aba, akala mo’y may prenup photoshoot na nga ang dalawa dahil sa sobrang sweet at intimate vibes ng mga pictures na kumakalat online. Mistulang K-drama feels, pampabaliw talaga sa mga fans.
Kung peg ninyo ang K-drama posters, swak na swak sa mood ng mga photos nina Kathryn at Alden. Mistulang leading man at woman ang dalawa na parang binigyan ng sariling Korean drama cover.
Todo tuloy ang delulu mode ng KathDen faneys, baka raw may teleserye na silang aabangan matapos ipalabas ang Hello, Love, Goodbye (HLG) follow-up movie na Hello, Love, Again (HLA).
Tila ang KathDen din ang napipisil for the Philippine adaptation of Queen of Tears (QOT)? Manifest na natin ‘yan!
Bukod sa kilig ng mga photoshoot, maraming faney ang umaasang magkaroon ng KathDen teleserye. May mga whispers na bagay na bagay daw sa kanila ang mga roles nina Kim Soo-hyun at Kim Ji-won mula sa hit Korean drama na QOT.
Kung matutuloy nga ito, joiners agad ang KathDen fans, dahil after all, isa ang QOT sa mga pinakainaabangang K-dramas worldwide. In fact, nalampasan pa nito ang finale ratings ng Crash Landing On You (CLOY). Knows mo ‘yun, girl?
Kung sina Kathryn at Alden ang bibida, siguradong magiging major-major hit ang adaptation. Next in line na nga ba sa K-drama adaptations ang KathDen?
Hala, ang daming ganap!
Kung tuluy-tuloy ang trend na K-drama adaptations sa Pilipinas, mukhang bagay na bagay sina Kathryn at Alden sa ganitong klaseng proyekto.
Nauna na ngang nagmarka ang Kim Chiu at Paulo Avelino sa What’s Wrong With Secretary Kim (WWWSK), at inaabangan na rin ang It’s Okay Not To Be Okay (IONTBO) nina Anne Curtis at Joshua Garcia.
Kung sina Kathryn at Alden ang mapipili para sa QOT, for sure, babaha ng kilig at ratings!
Mukhang hindi pa tapos ang KathDen era, mga mare! After HLA, sino bang hindi magiging excited kung mapunta pa sa kanila ang next big teleserye project?
Kung ang chemistry nila sa pelikula ay kinabog na ang puso ng madlang pipol, what more kung sa teleserye, ‘di ba?
Abangan na lang natin, mga beshies, dahil baka isang araw, biglang kumatok sa pintuan natin ang KathDen teleserye na pang-K-drama levels!
Ang peg? Love at laughtrip na magpapatulo ng luha at kilig — 'yan ang energy ng QOT.
Kinikilig na ba kayo? Kami rin! I-manifest na 'yan. #Talbog!
Comments