top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Facebook, tinanggal na ang Chinese accounts sa ‘Pinas at Amerika

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 23, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | September 23, 2020



Inalis na ng Facebook Inc. ang network ng inauthentic Chinese accounts na nakikialam umano sa pulitika sa Asia at America.


Sa pahayag ng social networking company, suspendido ang 155 accounts sa kanilang main platform kasama ang anim na Instagram accounts nito.


Nasa Pilipinas ang may pinakamaraming followed accounts at pages, kung saan nag-share ng nilalaman nito tungkol sa pagsuporta sa ginagawa ng China sa pinagtatalunang South China Sea at sa mga isyu tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Subali’t sa U.S. accounts, mas kaunti ang followers nito at ang nailalagay na post ay tensiyon sa pagitan ng mga pulitiko sa American election na magaganap sa Nov. 3, pahayag ng kumpanya.


Ayon sa head ng Facebook cybersecurity policy na si Nathaniel Gleicher, ang pagtatanggal sa Chinese-based accounts ang kauna-unahang isinagawa ng kanilang kumpanya sa bakuran ng foreign-interference na may kaugnayan sa US politics.


Gayunman, ayon kay Gleicher, nais lamang na makakuha ng tagasunod ang accounts na nasa Amerika at grupo nito. "The volume of content is so low, it's very hard to assess what their goal is," sabi ni Gleicher.


Lumalabas na nag-o-operate umano sa kung saang lugar sa China ang network ng kanilang accounts, pages at mga grupo na gumagamit ng virtual private networks at iba pa, ayon sa Facebook.


Umaabot sa 3,000 katao ang tagasunod sa pekeng American pages, habang mahigit 100,000 accounts ang naitala sa Pilipinas.


Nakapaloob sa accounts sa bansa ang pagsuporta kay P-Duterte at sa anak na si Sara Duterte, na tatakbo at papalit sa pangulo sa 2022.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page