top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Face mask at face shield, itapon nang maayos, ‘wag balahura!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2021
1 min read

@Editorial | February 1, 2021



Kapansin-pansin ang nagkalat na mga gamit na disposable face mask at face shield sa lansangan.


Kaya nagpaalala muli ang Deparment of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na siguruduhing itinatapon nang maayos ang mga gamit na face mask at face shield o ‘yung mga tinatawag na “household heath care waste”. Ito ay dahil sa kontaminasyon na maaaring maidulot nito sa paligid.


Ang mga ito ay ginagamit upang magligtas ng buhay mula sa banta ng COVID-19 pero, dahil sa kawalang disiplina ay makapagdaragdag pa ng problema.


Matatandaang una nang nagpahayag ng pagkabahala ang iba’t ibang environmentalist group hinggil sa pagdami ng mga naitatapon na face mask at face shield na hindi naman nabubulok.


Kaugnay nito, plano ng ahensiya na maglaan sa bawat barangay ng mga dilaw na trash bin upang doon itapon ng mga residente ang ganitong uri ng mga basura.


Sa kani-kanyang bahay pa lang, dapat matutunan na kung paano itatapon nang maayos ang mga ginamit na face mask at face shield. May iba kasi na pagkagamit ay basta na lang inilalapag kung saan o isinasabit at gagamitin pa ulit.


Todo-ingat tayong huwag mahawaan ng sakit pero, nakakalimot naman tayo sa ibang bagay na puwedeng ring magdulot nito.


Kung hindi magiging responsable sa pagtatapon ng face mask, mas mainam na gumamit ng washable nang hindi na rin makadagdag sa basura.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page