top of page
WINNER - BINI, INIAAHON ANG ABS-CBN SA PAGKALUGI-IG _BINI_PH.jpg

F2F classes, depende sa iskul – DepEd

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | August 20, 2026



F2F classes, depende sa iskul – DepEd

Photo: DepEd-SDO / File



Isinusulong ng Department of Education (DepEd) ang mas flexible na pagpapatuloy ng klase sa antas ng paaralan matapos ang sakuna o masamang panahon upang maiwasan ang learning loss.


Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, naiparating na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naturang panukala at pinag-aralan ito ng DepEd sa pangunguna ni Education Sec. Sonny Angara.


Ipinaliwanag ni Castro na nais ng DepEd na ang desisyon sa pagpapatuloy o pagsususpinde ng klase ay nakabatay sa aktuwal na sitwasyon ng bawat paaralan at komunidad, sa halip na awtomatikong pare-pareho ang suspension sa buong probinsya, lungsod o munisipalidad.


“Ayon sa DepEd, mas gusto po nilang magkaroon ng flexible at nakabase sa actual situation ng bawat school at community, hindi iyong automatic na pare-pareho ang suspension sa buong province, city or municipality – magkakaiba kasi ang geography, risk at conditions sa

bawat lugar,” paliwanag ni Castro sa Palace briefing.


Ani Castro, kung ligtas ang lugar, maaaring ipagpatuloy ang klase, ngunit kung hindi ligtas ay mananatili itong suspendido.


Binigyang-diin din ni Castro na hindi nangangahulugan ang panukala na kanya-kanyang desisyon na ang mga paaralan. Mahalaga aniya ang koordinasyon at shared responsibility kasama ang mga lokal na pamahalaan, gayundin ang malinaw na safety assessment, napapanahong komunikasyon at accountability bago magdesisyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page