top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ex-vice mayor at ama, niratrat

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 13, 2023
1 min read

ni Jeff Tumbado @News | July 13, 2023




Napatay ng hindi pa matukoy na mga salarin ang dating bise alkalde sa bayan ng Rajah Buayan sa Maguindanao del Sur, kahapon.


Nakilala ang biktima na si Sittie Jinn Utto Lumenda, 47, na idineklarang dead-on-arrival sa ospital matapos itong magtamo ng ilang tama ng bala ng baril sa katawan at ulo.


Nabatid kay Police Major Jethro Doligas, si Lumenda kasama ang kanyang ama na si Datu Jonathan Lumenda ay pinagbabaril ng hindi pa mabatid na mga salarin pasado ala-1 ng hapon sa Bgy. Pingguiaman sa nabanggit na lungsod.


Lulan ang mga biktima sa isang sasakyan at patungo sana sa isang okasyon nang tambangan.


Nananatiling nasa Intensive Care Unit (ICU) sa ospital ang ama ng biktima bunsod na rin ng ilang tama ng bala sa katawan nito.


Samantala, kinondena naman ni Doligas ang pangyayari.


Napag-alaman na nagsilbi bilang vice mayor sa bayan ng Rajah Buayan si Lumenda at naging health worker ito matapos ang kanyang paninilbihan sa bayan.


Patuloy pa ang pagsisiyasat ng mga awtoridad upang mapanagot ang mga nasa likod ng pag-atake.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page