Ex-UFC fighter Silva, pina-meme si Ortiz sa Pro Boxing Fight
- BULGAR
- Sep 15, 2021
- 2 min read
ni Gerard Arce - @Sports | September 15, 2021

Isang malutong na suntok lamang ang kinakailangan ni dating longest reigning UFC middleweight champion Anderson “The Spider” Silva upang patulugin si dating MMA legend at dati ring Huntington Beach Mayor Pro Tempore Tito Ortiz sa kanilang sa laban noong Linggo sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Hollywood, California.
Kapwa parehong 46-anyos ang dalawang MMA icons, ngunit mas nanatiling aktibo sa pakikipagbuntalan ang Brazilian fighter na si Silva na nagawang patumbahin ang American pro-boxing debutant sa 1:21 ng unang round pa lamang sa Triller Fight Club co-main event bout ng laban nina dating undisputed cruiserweight at heavyweight champion Evander “The Real Deal” Holyfield at dating UFC Light-Heavyweight titlist na si Vitor “The Phenom” Belfort ng Brazil na nagtapos rin sa 1:49 ng opening round pabor sa Brazilian.

Ito na ang ikatlong sunod na panalo ng Curitiva, Brazil native na si Silva (3-1, 2KOs) sa pro-boxing matapos ang split decision na panalo kay dating WBC middleweight titlist Julio Cesar Chavez Jr. ng Mexico para sa 8th round scheduled bout noong Hunyo 19, 2021 sa Guadalajara, Mexico, kung kaya’t hindi na ito nagulat na makuha ang ikalawang knockout victory.
“No. I’m training hard for this fight and training hard to show my respect for boxing,” wika ni Silva. “I continue to work everyday to show my respect to martial arts and for Wing Chun and for Bruce Lee.”
Kahit nakaka-isang panalo pa lang ito sa huling walong laban nito sa UFC, nananatili pa ring angkin nito ang hand speed na may malaki pa ring problema sa kanyang makakatunggali sa mga celebrity crossover boxing matches na dinodomina ng mag-utol na Logan at Jake Paul.
Nakalinya sanang maglaban sa 195 pound ang dalawa, subalit hindi naabot ng dating UFC Light-Heavyweight champion ang timbang at tumuntong sa 200-lbs. Gayunpaman, hindi ito naging balakid sa pagnanais at mga plano ni Silva na mayroong reach advantage at experience sa pro-boxing sa kanyang unang talo noong 2008 sa mga kababayang sina Osmar Luis Texeira at panalo kay Julio Cesar De Jesus.





Comments