Ex-tserman, niratrat sa kasalan
- BULGAR

- 21 hours ago
- 1 min read
by Mai Ancheta @News | September 2, 2026

Photo: Circulated / Basilan Daily / FB
Dedo ang isang dating barangay chairman matapos barilin ng hindi nakilala ng salarin habang dumadalo sa isang kasalan sa Brgy. Tongbato, Ungkaya Pukan, Basilan nitong Lunes, Agosto 31.
Kinilala ang biktima na si Juram Majaran, dating tserman ng Brgy. Boheh Suyak.
Nasa kasagsagan umano ng kasayahan nang pagbabarilin ang biktima na ikinasawi nito. Tumakas naman ang salarin matapos makitang bumagsak ang biktima.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa motibo sa pagpatay at kung sino ang responsable sa krimen.





Comments