top of page
Pokwang.jpg

Ex-Pampanga Cong. Gonzales, kinasuhan sa flood scam

Writer: BULGAR
BULGAR
1 day ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | October 17, 2026



Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. - House of Representatives

Photo: Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. - House of Representatives



Naghain ng tatlong kaso ng graft ang Office of the Ombudsman nitong Biyernes laban kay dating Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. kaugnay ng umano’y pagkakaugnay niya sa mga construction firm na nakakuha ng mga kontrata mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) habang siya ay nanunungkulan sa Kongreso.


Personal na nagtungo sa Sandiganbayan ang mga tauhan ng Ombudsman upang ihain ang mga information o pormal na sakdal laban kay Gonzales.


Nauna nang sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na nahaharap si Gonzales sa reklamong conflict of interest kasunod ng mga ulat na isang kumpanyang may kaugnayan sa kanyang pamilya ang nakakuha ng daan-daang milyong pisong halaga ng mga kontrata mula sa DPWH noong siya ay kongresista pa.


Ipinagbabawal sa ilalim ng Section 3(h) ng Republic Act No. 3019, o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, sa mga opisyal ng gobyerno ang pagkakaroon ng direkta o hindi direktang interes sa pananalapi sa anumang negosyo, kontrata o transaksiyon na kanilang pinakikialaman o sinasalihan bilang bahagi ng kanilang opisyal na tungkulin.


Bailable offense ang graft, kung saan itinakda sa P90,000 ang piyansang maaaring bayaran ni Gonzales upang pansamantalang makalaya habang dinidinig ang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page