top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ex-P-Duterte at former DOH Sec. Duque, sino ang nagsisinungaling?

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 7, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 7, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


‘NINGAS-KUGON’ LANG ANG KAMPANYA NI PBBM LABAN SA SMUGGLING AT ONLINE SABONG -- Sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong July 24, 2023 ay ipinag-utos ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa Bureau of Customs (BOC) na lansagin ang smuggling sa bansa, at noong December 28, 2023 ay sinuspinde ng Presidente ang operasyon ng online sabong sa ‘Pinas.


Ang dalawang direktibang ito ni PBBM ay maituturing na “ningas-kugon” lang, kasi hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang smuggling operations at online sabong sa bansa, boom!


XXX


SINO KINA EX-P-DUTERTE AT FORMER DOH SEC. DUQUE ANG NAGSISINUNGALING? -- Ayon kay former Health Sec. Francisco Duque III ay si ex-P-Duterte raw ang nag-utos sa kanya na i-transfer ang P47.6 bilyong pondo ng Dept. of Health (DOH) sa tanggapan ni former Procurement Service-Dept. of Budget and Management (PS-DBM) chief Lloyd Christopher Lao para ito (Lao) na lang daw ang bumili ng mga facemask at face shield sa panahon ng pandemya, pero ang sinabing ito ng dating DOH sec. ay pinabulaanan ng dating pangulo.


Kaya’t ang tanong, sino kina ex-P-Duterte at Duque ang nagsisinungaling sa isyung ito? Period!


XXX


DAPAT GAWING PRAYORIDAD NG SENADO ANG ‘DIVORCE BILL’ PARA MATIGIL NA ANG PATAYAN NG MAG-ASAWANG HINDI NA MAGKASUNDO -- Sabi ni Sen. Jinggoy Estrada ay hindi raw dapat masyadong pagtuunan ng pansin ang Divorce Bill dahil hindi naman daw ito priority bill.


Aba, sana ay gawing priority bill kasi sa totoo lang, marami na rin ang nababalita na may mag-asawang nagpapatayan, at bago madagdagan ang mga kasong pinatay ni mister si misis, at pinatay ni misis si mister ay dapat i-priority bill na ng Senado ang Divorce Bill para ang mag-asawang nais nang maghiwalay ay legal nang mapaghiwalay upang hindi na humantong na sila ay magpatayan pa, boom!


XXX


ANG DAGDAG NA 2M JOBLESS PINOY SA ‘PINAS ANG PATUNAY NA FAKE NEWS ANG PAGLAGO NG EKONOMIYA NG BANSA -- Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nadagdagan ng mahigit 2 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho o jobless sa bansa.


Patunay iyan na fake news ang ibinibida ng economic team ng Marcos administration na lumago na ang ekonomiya ng ‘Pinas kasi kung totoong lumago dapat ay nadadagdagan ang bilang ng mga Pinoy na nagkakatrabaho sa bansa, at hindi nababawasan o nawawalan ng work, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page